Bilang tugon sa kakapalabas pa lamang na "Etiquette for Mistresses" at sa pamamagitan ng mungkahi ni Talla, lumikha ako ng isang tuntuning librong hango sa aklat ng nasabing palabas. Ito ay magsisilbing gabay para sa ating mga tagahanga ng AlDub kung paano tayo kumilos, dalhin ang ating mga sarili, at magpakita ng tamang asal bilang mga tagahanga.
1. Alamin ang iyong lugar.
Pag nakita mo si Yaya Dub o si Alden, tandaan na ikaw ay tagahanga lamang at wala nang iba. Huwag mong ipakita ang iyong damdamin sa harap nila. Maaari ito magresulta sa masama. Bantayan ang iyong distansya at galangin ang kanilang personal na teritoryo.
2. Kahit sabihin nila na ayos lang, huwag mong isisiksik sa ulo mo.
Disenteng tao sila Alden at Maine, at mahal nila ang mga tagahanga nila. Hindi sila yung tipo na tumatanggi sa mga tagahanga. Kaya kahit na sabihin nila na ayos lang sa kanila, huwag mong silang abusihin o kaya ay ipilit ang swerte mo. Suklian mo ang kagandahang-asal nila ng iyong lubusang paggalang.
3. Handa dapat ang mga tagahanga na huwag isa-alang-alang ang kanilang gawain sa eskwela, mga proyekto, pagsusulit, interview sa trabaho, o ang mga kaarawan.
Bagamat ang mga tagahanga ng AlDub ay laging naka-antabay sa panonood ng Kalyeserye, hindi dapat ito maging hadlang sa iyong mga mahahalagang pangako. Huwag dapat maging dahilan ng kaguluhan ang iyong pagmamahal kay Alden at kay Maine. Sa halip, ay magsilbi silang inspirasyon. Meron namang replay na pwede mong panoorin.
4. Makipagkaibigan sa mga kapamilya nila pero iwasang maging komportable.
Bilang isang tagahanga, ang pagiging kaibigan sa isang kasapi ng kanilang mga pamilya as labis para matugunan ang kasiyahan ng isang tagahanga para sa atensiyon. Subalit, huwag kang maging sobrang komportable na darating sa puntong makakasilip ka sa mga pangyayari sa prebado nilang buhay. Panatilihin ang iyong agwat. Mas iwas-problema sila kaya't panatilihing sibil ang inyong relasyon sa kanila.
5. Ang pagtangkilik sa mga produktong kanilang kinakatigan ay nangangahulugan din ng pagpapakita ng iyong suporta sa kanilang mga pinagsusumikapan at pagmamahal para sa fandom.
6. HUWAG BIBISITA SA MGA BAHAY NILA! Hintayin ang tamang panahon at lugar para maging malapit sa kanila.
7. Ang makita sila sa pampublikong lugar at paghingi sa kanila ng selfie ay ayos lang. Ang pagsama sa kanila sa iyong mga selfie ng walang pahintulot ay nagpapakita ng kakulangan sa iyong pagiging tagahanga. Suyuin mo sila. Ikaw din, baka hindi na ulit dumating ang pagkakataon.
Ang paghanga ay maganda kapag alam mong sila ay sikat. Ikaw ay tagahanga nila at alam na nila iyon. Huwag mong ipagkait sa iyong sarili ang pribilehiyo.
8. Huwag maniniwala at huwag magsasabi ng kahit anong hindi maganda laban sa mga tumutuligsa at mga kaaway. Kahit na ginagawa ito ng ibang mga tagahanga.
Sila Alden at Maine ay mga taong nagtataguyod ng kapayapaan at pagmamahal para sa lahat ng tao. Huwag mong mararamdaman na ang pagsira at ang pagyurak ng iba ay kinatutuwa at nagugustuhan dahil para ito sa fandom. Ang totoo, ginagawan mo ng pabor ang mga kalaban. Itikom mo na lang yan at panatilihing tahimik ang mga bagay-bagay.
9. Okupado ang mga tagahanga sa social media. Pero ang tagahanga na may nilalaman, at hindi umaasa sa iba, ay nangangahulugan na siya ay mas nakakabuti. (Salin: Maghanap ka naman ng pagkakabuhayan)
10. Maging mapagmalaki! (Siguraduhing alam ng lahat na ikaw ay isang miyembro ng AlDub Nation)
Wala nang hihigit pa sa isang tagahanga na pinapalaganap ang pag-ibig.
11. Huwag manonood mag-isa.
Mas mararamdaman mo ang kilig kapag may mga kasama ka na nanonood.
12. Kapag may mga episodes na hindi sila magkasama, dahil yun sa kanila dedikasyon at ang kanilang pagiging propesyonal. Ang hindi pagtuligsa sa kanila ay paggalang sa kani-kanilang personal na mithiin.
13. Ang mga tagahanga ay may kani-kaniyang network na sinusuportahan at minamahal. Makakatulong sa mga tagahanga ng AlDub Nation na ituon na lang ang pansin dito. Ang pagpunta sa iba para dumungaw at sumilip ay hindi magandang ideya. (Ang ibang tagahanga ay kadalasang nakapagsasabi ng hindi maganda kapag ginawa nila)
Dahil sa iyong kalagayan at naiaambag, dapat ay masaya ka na dahil rin sa good vibes na meron dito sa AlDub Nation. Hayaan na lang ang iba at maging masaya na lang ang lahat.
14. Hindi nagrereklamo ang mga tagahanga.
Hindi talaga dapat! Ang pagrereklamo ay napaka-isip-bata!
15. Bilang isang tagahanga, mag effort pa tayo ng mas mabuti.
Sa paglubog ng araw, nailabas na natin ang mga emosyon sa episode na napanood natin. Kahit ano man ang mangyari, kahit na maganda o hindi masyadong maganda ang episode, base na rin sa mga kuro-kuro ng iba, ang katapatan natin sa love team ay mas kinakailangang higit pa kaysa kahapon, dahil alam natin na palapit na ang tamang panahon.
16. Bigyan sila ng oras sa bahay pag alam na natin na pagod na sila.
Pag nakita natin si Alden at si Maine na buhay pa sa social media accounts nila, lalo na sa dakong madaling-araw paumaga, pakiusap lang, huwag niyo nang bahain yung feed nila, nangungulit kayo na pansinin nila kayo. Baka masyado silang natutuwa kaya sila hindi makatulog o pinapagod ang sarili para makatulog. Maging sensitibo tayo at bigyan na lang sila ng maikli, payak, at malambing na paalala na magpahinga na sila.
17. Normal lang sa mga tagahanga na may kaugnayan sila sa ibang fandom, lalo na sa mga bagay na gusto rin nila.
Sa panahon na kung saan pwede natin gamitin ang kapangyarihan na pumili, pakiusap lang, huwag naman maging hibang para isipin na sa AlDub lang tayo habang-buhay. Gusto ni Yaya ang One Direction and naaaliw si Alden sa The Beatles. Ayos lang kung mayroon tayong ibang kinagigiliwan.
18. Pag nakita mo sila sa pampublikong lugar, at nagbabalak kang palabasin na aksidente ang pagkakasalubong mo sa kanila, isipin mo: Ilan kayang aksidente ang pwede kong palabasin sa isang buwan?
Nasa pagitan lang yan ng kasama mo ang isang grupo sa barangay kung saan pinapakita ang Juan for All, o talagang stalker ka lang... Kakatakot.
19. Huwag gagawa ng mga kaaway sa loob ng fandom.
Pag pinakinggan mo ang ibang tagahanga, at ang mga kwento nila, malalaman mo na ang mundo ay puno ng pag-ibig, pero hindi ng pagmamahalan. Nasa iisang fandom lang tayo... Hello?!
20. Paalalahanan ang sarili na magdasal at maging mapagpasalamat sa lahat ng bagay na may kinalaman sa palabas - sa pagkaing kinain nabang nanonood, sa istorya, sa kalusugan nila, sa kilig, sa mga Lola, sa katatawanan, atbp.
Sa Diyos tayo ay nagtitiwala kaya ang kaugaliang mapagpasalamat ay kinakailangan.
21. Huwag gamitin ang iyong galit bilang armas. Ang mga haters ay malamang nakaramdam na niyan sa kapwa nila haters.
Nagbubunganga ang mga haters. Naninirang-puri din ang mga tumutuligsa. At kung sa dahilan lang na yon, ang isang kasapi ng AlDub Nation ay hindi kailangan gamitin ang galit para lang mailahad at mabigyang-linaw ang isang punto. Sa halip, gumamit ng magagandang salita, nakakaganang mga pangungusap, at good vibes para mapaikot ang mga bagay-bagay.
22. Iwaksi ang kagustuhang kamuhian ang mga hater.
Sa bawat pagkilos, ayon sa batas ni Newton, ay may kapareho at kabaligtaran na reaksyon.
23. Tanggalin sa isip na hindi sila ang magkakatuluyan.
Sa tagal ba naman ng aktingan nila, napaka-imposible na hindi mahulog ang damdamin nila sa isa't-isa. At dahil nahuhulog na sila, baka dumating ang panahon na sila ang magkatuluyan sa dambana... Sana. Bilang mga tagahanga, umaasa rin tayo sa tamang panahon.
24. Ang mga tagahangang lalaki, na may asawa na, ay hindi dapat mahiya bilang mga kasapi ng AlDub Nation, bilang isang panuntunan.
25. Ang tagahangang may talentong maibabahagi ay may dalawa ang isinasabuhay, at ang tagahanga ay buo na sa kanyang sarili. Ayos lang yan! Ang pagbabahagi ng iyong angking talento ay makakatulong sa iyo na maging buo.
Ang buhay ngayon sa makabagong mundo ay malaya na ang pagbabahagi ng iyong mga talento ng may sinseridad ay makakapagpaligaya ng ibang tao. Walang tao na walang talento na maipapakita.
26. Iwasan ang tukso na paliguan si Alden at Maine ng sobrang atensiyon. Baka may magawa ka na hindi dapat!
Ang sobrang pagmamahal ay pwedeng makapatay... Ng kahit sino...
27. Pag nagugulumihanan, mag-tweet!
28. Pag nasira na ang lahat, panoorin ulit ang unang episode!
Ang ibang tagahanga ng AlDub ay nagtatagal; ang iba hindi.
Hindi naman lahat ng nandito ay nasasaklaw ang lahat ng bagay, pero ang mga panuntunang ito ay higit pa sa sapat para matulungan ang isang tagahanga ng AlDub sa pagsuporta kay Alden at kay Maine ng pangmatagalan, sa tamang paraan. Hindi natin kailangang maging kabit. Bilang tagahanga, ang mga miyembro ng AlDub Nation ay dapat maging mga tao na may tamang pag-uugali at asal. Mayroon tayong class kagaya ni Maine. Dalisay tayo kagaya ng pinapakita ni Alden. Nawa'y magawa natin, sa abot ng ating makakaya, na ipagbunyi ang ano mang bagay na makakabuti para sa lahat!